Patay sa pamamaril ng mga salarin na nakasuot ng bonnet ang isang 13-anyos na binatilyo sa Cebu City. Nangyari ang krimen, dalawang araw bago sumapit sana ang kaarawan ng biktima.
Sa ulat ni John Kim Bote sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabing nangyari ang krimen nitong Lunes ng gabi sa Sitio Lahing-Lahing 2, Barangay Mabolo.
Ayon sa ina ng biktima, bago mangyari ang krimen, umuwi pa ang ang kaniyang anak at kinalaunan ay umalis kasama ang mga kaibigan. Hanggang na nakatanggap na siya ng impormasyon na pinagbababaril ang kaniyang anak ng mga salarin na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan. Nanawagan siya ng hustisya at hiniling sa mga kaibigan ng anak na sabihin sa mga pulis ang kanilang nalalaman.13-anyos na binatilyo, patay sa pamamaril sa Brgy. Mabolo, Cebu City. | via John Kim Bote, Super Radyo Cebu pic.twitter.com/oKuKaXDhelNakatakda sanang ipagdiwang ng biktima ang kaniyang ika-14 na taong kaarawan sa Miyerkules.
Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nasa ikatlong palapag ng ginagawang bahay ang binatilyo nang puntahan ito ng dalawang salarin at pagbabarilin.Inihayag ng pulisya na nasasangkot ang biktima sa ilegal na droga.-- FRJ, GMA Integrated News
Btbpromdi Crime Juvenile Crime
United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
NBI asked to probe mayor of Dalaguete in Cebu over road projectCEBU CITY – The mayor of Dalaguete in southern Cebu province is facing another complaint.
Read more »
40-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin ng kaibigan daw niyaPatay ang isang 40-anyos na lalaki pagkatapos pagbabarilin ng kaibigan daw niya sa Pasig City.
Read more »
25-anyos na babae, patay sa saksak ng kaniyang ka-live in sa Butuan CityPatay ang isang babaeng 25-anyos matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang kinakasama sa Butuan City. Ang mga kaanak ng biktima, nadinig ang kaguluhan pero inakala nilang karaniwang pag-aaway lang iyon ng dalawa.
Read more »
United Airlines inaugurates Cebu-Tokyo/Narita-USA routeCEBU CITY—United Airlines launched its new Cebu-Tokyo/Narita-USA route with the first outbound flight from Cebu at the Mactan-Cebu International Airport
Read more »
Army reservist, patay matapos pagbabarilin sa AntipoloPatay ang isang army reservist pagkatapos pagbabarilin sa Antiplo City.
Read more »
2 gipamusil-patay sa Carcar CitySunStar Publishing Inc.
Read more »