Aktres na si 'Neri,' inaresto dahil umano sa estafa, ayon sa SPD

Estafa News

Aktres na si 'Neri,' inaresto dahil umano sa estafa, ayon sa SPD
BtbBtb BalitaBalitambayan
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 48 sec. here
  • 15 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 67%
  • Publisher: 68%

Isang aktres na nagngangalang si Neri ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa estafa umano at paglabag sa securities regulation code.

Base sa pahayag ng Southern Police District, isinilbi sa 41-anyos na aktres at businesswoman ang warrant of arrest sa isang basement convention center sa loob ng isang mall sa Pasay City noong Nobyembre 23.

Nahaharap siya sa kasong estafa kaugnay ng Presidential Decree 1689, na nagdadagdag ng parusa para sa estafa "committed by a syndicate consisting of five or more persons formed with the intention of carrying out the unlawful or illegal act, transaction, enterprise or scheme." Ang syndicated estafa ay bunga ng maling paggamit ng pera na iniambag ng mga stockholder, miyembro ng mga kooperatiba o asosasyon, o mula sa publiko.

Nahaharap din siya sa 14 count ng paglabag sa Section 28 ng Republic Act 8799 o ang Securities Regulation Code, kung saan kasali ang mga probisyon sa pagpaparehistro ng mga broker, dealers, salesman, at iba pang nauugnay na tao. Bagama't hindi pa ganap na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng aktres, nakipag-ugnayan na kay Neri Naig ang GMA News Online para sa kaniyang komento, ngunit hindi pa siya tumutugon sa oras ng pagakalimbag ng artikulo. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btb Btb Balita Balitambayan Gma News Online Gno Pinoy Stories Scoops Trends Tabloid Balita News Showbiz

United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Panloloob ng 6 na armadong lalaki sa isang bahay sa isang subdivision, huli-camPanloloob ng 6 na armadong lalaki sa isang bahay sa isang subdivision, huli-camNanloob ang anim na armadaong katao sa isang exclusive subdivision sa Paranaque
Read more »

Dating isang kahig-isang tuka, nakapagpatayo ng resort na may hotel na hugis manokDating isang kahig-isang tuka, nakapagpatayo ng resort na may hotel na hugis manokDinarayo ngayon ang isang higanteng 'manok' sa Talisay City, Negros Occidental na ang laman-- mga kuwarto na puwedeng tuluyan ng mga namamasyal sa resort. Ang may-ari nito, dating hikahos sa buhay na hindi kayang bumili noon ng manok para may pang-ulam.
Read more »

Security guard arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa QCSecurity guard arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa QCArestado ang isang security guard matapos nitong tangkaing nakawin ang isang motorsiklo sa Quezon City.
Read more »

Lalaki at babae na nasa gilid ng daan, tumilapon nang tumbukin ng multicab sa CebuLalaki at babae na nasa gilid ng daan, tumilapon nang tumbukin ng multicab sa CebuSapul sa CCTV camera ang pagtilapon ng isang babae at isang lalaki na nasa gilid ng daan nang tumbukin sila ng isang multicab sa Borbon, Cebu.
Read more »

Lakas ng tigre, nasaksihan ng isang lalaki na kamuntik lapain sa ChinaLakas ng tigre, nasaksihan ng isang lalaki na kamuntik lapain sa ChinaKumaripas ng takbo ang isang lalaki matapos niyang masaksihan kung gaano kalakas ang isang tigre na kayang gibain ang isang bakal na gate sa China.
Read more »

Lalaki, huli sa panghahalay umano sa isang menor de edad sa Negros OccidentalLalaki, huli sa panghahalay umano sa isang menor de edad sa Negros OccidentalTimbog sa Pasay City ang isang lalaki matapos manghalay umano ng isang menor de edad na babae sa Negros Occidental.
Read more »



Render Time: 2025-02-24 02:38:34