Napasigaw at napatakbo papasok ng bahay ang isang babae matapos niyang makita ang isang Philippine cobra sa kanilang balkonahe sa Zamboanga del Sur. Ang hindi niya agad nalaman, muntikan na siyang tuklawin ng makamandag na ahas.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, makikita sa CCTV footage si Kristhine Joy Bation-Sevilla, na tila nagpapahangin lang habang abala sa kaniyang cellphone sa balkonahe ng kanilang bahay.Napasigaw sa takot si Sevilla at mabilis na pumasok sa kanilang bahay.
Pero bago ang naturang insidente, paglabas pa lang pala ni Sevilla ay nandoon na sa balkonahe ang cobra at pumorma na tutuklawin siya pero hindi itinuloy ng ahas. Nang sandaling iyon, hindi pa napapansin ni Sevilla ang ahas dahil nakatuon ang atensyon niya sa hawak na cellphone.Maging ang lalaki na nasa labas ng bahay, napaatras din at humingi ng tulong sa iba pang residente.
Ilang lalaki ang nagtulong-tulong para mahuli ang ahas, na kinalaunan ay pinakawalan sa ligtas na lugar. Sinabi ni Sevilla na maayos ang kaniyang kalagayan pati na ang alaga nilang pusa na nakalapit sa ahas.Isang "highly venomous" na ahas ang Philippine cobra at nakamamatay ang kamandag nito. --FRJ, GMA Integrated News
United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Philippine Tour Operators Association all set to unveil exciting destinations at 35th Philippine Travel MartDeals, discounts, discoveries and more at the three-day event. August, Paranaque City - The Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) is looking forward to welcoming travelers at the 35th Philippine Travel Mart, happening from Sept. 6 to 8 at the SMX Convention Center in Pasay City.
Read more »
Magkakaibigang babae, namula at nagsugat ang mga balat dahil umano sa gluta drip?Sa halip na magkaroon ng glowing skin, namula, nangati at nagdugo ang mga balat ng magkakaibigang babae matapos silang magpa-gluta drip sa itinayong spa ng kanila ring isang kaibigan sa Rizal. Ano nga ba ang nangyari sa balat nila?
Read more »
Poste ng kuryente, natumba habang may dumadaan na babae at bata sa ChinaIsang poste ng kuryente ang bilang natumba sa Guizhou, China habang may dumadaan na isang babae at isang bata. Sa pagmamadali ng babae, naiwan niya ang bata na bahagya pang nadapa. Makaligtas kaya siya? Alamin.
Read more »
Bangkay ng 10-anyos na babae, nakita sa lababo ng isang apartment sa Atimonan, QuezonPatay na nang matagpuan sa lababo at natatakpan ng mga kawali at kaldero sa loob ng isang apartment ang isang babaeng 10-taong-gulang na naunang iniulat ng kaniyang pamilya na nawawala sa Atimonan, Quezon
Read more »
Nawawalang 15-anyos na babae, nakitang patay sa tubuhan sa Negros OccidentalPatay na nang matagpuan sa isang tubuhan sa La Carlota City, Negros Occidental ang isang 15-anyos na babae na dalawang linggo nang nawawala.
Read more »
Babae, patay matapos undayan ng saksak ng kaniyang live-in partner sa CaloocanBabae patay matapos undayan ng saksak ng kaniyang live-in partner sa Caloocan
Read more »