Sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, may panibagong banta na naman ang pagkalat ng monkeypox sa iba't ibang panig ng daigdig. Bakit nga ba dumadalas ang virus outbreaks sa mundo?
"We're still reiterating that it's not a matter of if, but when," ayon kay Professor Phillip Alviola, isang bat ecologist at Associate Professor sa University of the Philippines Los Baños sa"Need To Know" ng GMA News.
Ayon sa ulat, ang mga posibleng dahilan ng pagdami ng mga outbreak sa mundo ang lumiliit na pagitan ng mga tirahan ng mga tao at mga hayop, at climate change. "So this would probably give rise to different strains of viruses or different strains of pathogens," sabi ni Alviola. Isang halimbawa ng zoonotic na pagkalat ng virus sa Pilipinas ang kaso sa Sultan Kudarat noong 2014 kung saan 17 tao ang nagkasakit dahil sa Nipah virus. Kalaunan, 10 sa kanila ang nasawi.
Samantala, ang malaria, na kadalasang kumakalat sa equator, ay unti-unti na ring nakararating sa mga lugar na hindi masyadong mainit dahil sa pagbabago ng temperatura sa mundo.
United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Suspek sa pag-atake sa pamilyang Pilipino sa California, nahuli naNaaresto na ang lalaking suspek sa pag-atake at pagsasalita ng racist slur umano sa isang pamilyang Pilipino sa isang fast-food joint sa California noong Mayo.
Read more »
Traffic enforcer, binangga at tinangkang takasan ng motoristang lumabag daw sa batas-trapikoNahuli-cam ang pagbangga ng isang motorista sa isang Manila traffic enforcer na humabol sa kaniya dahil sa paglabag sa batas-trapiko. Sinubukan pa raw takasan ng motorista ang enforcer pero nauwi sa aregluhan ang lahat, bagay na ikinagalit ng boss ng enforcer.
Read more »