Nakulong at nahaharap sa reklamo ang isang motorcycle rider na hindi umano tumigil sa pedestrian lane kahit may tatawid na mga bata, at inatake pa ng sipa ang traffic enforcer na sumita sa kaniya sa Muntinlupa.
Sa Facebook post ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon , hindi niya itinago ang inis sa naturang rider na tinawag niyang pasaway at "kamote" na sinermonan niya sa loob ng PNP custodial facility nitong Miyerkules.
Sabi pa ng alkalde, pinapairal niya sa lungsod ang Pedestrian Priority Policy, o pagbibigay-galang ng mga motorista sa mga taong gumagamit pedestrian lane, na kadalasang nagkakaroon ng sakuna dahil sa mga sasakyang hindi tumitigil sa lugar kahit may mga tumatawid. Ayon kay Biazon, umiinit ang ulo niya sa mga "taong binabastos, nilalabanan o sinasaktan ang mga person in authority, lalo na kung ginagawa lang naman nila ang kanilang tungkulin.""Alam ko may buhay kang sarili pero dapat mas responsble ka dahil may anak ka. Kung nakasagasa ka dun may mga batang tumatawid ano sa tingin mo? O kaya anak mo ang masagasaan nang ganun dahil may isang pasaway sa kalsada," sabi niya sa rider na humingi ng paumanhin sa kaniyang ginawa.
Btbbalita Kamote Riders Mayor Ruffy Biazon Ruffy Biazon
United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mayor Biazon leads 'Brigada Eskwela 2024' in MuntinlupaMayor Biazon leads 'Brigada Eskwela 2024' in Muntinlupa
Read more »
Proposed 'Anti-Kamote Driver Law' filed in CongressDefining the News
Read more »
Proposed 'Anti-Kamote Driver Law' filed in CongressDefining the News
Read more »
Bill on 'Anti-Kamote Driving' filed in HouseLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »
'Anti-Kamote Driving' bill, inihain sa KamaraInihain sa Kamara de Representantes ang isang panukalang batas para maprotektahan ang mga inosenteng driver na nakukulong kahit walang kasalanan sa nangyaring aksidente.
Read more »
Caloocan, Quezon City, Muntinlupa trip rivalsCaloocan and Quezon City TODA Aksyon took different routes toward victories in the MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season at the Amoranto Gym in Quezon City on Tuesday, July 30.
Read more »