Lalaking wanted para sa kasong pagpatay, huli habang kumukuha ng police clearance

Btb News

Lalaking wanted para sa kasong pagpatay, huli habang kumukuha ng police clearance
Btbbalita
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 39 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 22%
  • Publisher: 68%

Lalaking wanted para sa kasong pagpatay, huli habang kumukuha ng police clearance

Timbog ang isang 50-anyos na lalaki na suspek sa dalawang kaso ng pagpatay habang kumukuha siya mismo ng police clearance para sa trabaho sa Antipolo, Rizal. Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing kumuha ng police clearance sa Antipolo Component City Police Station nitong Miyerkoles ang suspek para sa pag-a-apply ng trabaho bilang construction worker.

Ngunit sa kaniyang pagbisita sa pulisya, dito na siya dinakip dahil may arrest warrant pala siya sa kasong murder. Ayon sa Antipolo Police, nasangkot ang suspek sa pamamaril noong 2020 sa San Jose del Monte, Bulacan, kung saan ang biktima ay isang lalaking 57-anyos.Maliban pa sa kasong murder, may kaso rin ng homicide ng lalaki, kung saan biktima naman niya ang kaniyang dating ka-live in sa San Jose del Monte.“Ay hindi po ko nagtago. Kumukuha ako ng police clearance. Inaantay ko. Pagdating ng releasing, akala ko released na, hindi pala.

“Ang masasabi ko lang doon, eh, bahala na ang gumawa ng kaso sa akin doon. Kung mapatutunayan nila na ako, tatanggapin ko. Handa naman akong makulong eh,” sabi pa ng suspek. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btbbalita

United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Lalaking wanted dahil sa kasong pagnanakaw, huli sa Valenzuela matapos ang halos 3 dekadaLalaking wanted dahil sa kasong pagnanakaw, huli sa Valenzuela matapos ang halos 3 dekadaMay mga puting buhok na nang maaresto ang isang lalaki na wanted sa kasong pagnanakaw noon pang 1997 o halos tatlong dekada na sa Valenzuela City.
Read more »

Lalaking nag-amok at nanakit umano ng kapitbahay, lasing na lasing nang hulihin sa AntipoloLalaking nag-amok at nanakit umano ng kapitbahay, lasing na lasing nang hulihin sa AntipoloSa kulungan ang bagsak ng isang 55-anyos na lalaki dahil sa pag-aamok at pananakit umano ng kapitbahay sa Antipolo, Rizal. Nang arestuhin, nadatnan ang suspek sa kaniyang bahay na lasing na lasing.
Read more »

Lalaking umalis sa trabaho, nagtayo ng Piso WiFi Vendo machine businessLalaking umalis sa trabaho, nagtayo ng Piso WiFi Vendo machine businessBukod sa kinikita sa sarili niyang mga unit ng Piso Wifi vendo machine, natutunan din ng isang lalaki sa Caloocan na gumawa ng naturang mga makina na kaniyang ibinebenta.
Read more »

Call center agent, huli sa panggagahasa at pangingikil umano sa babaeng nakilala sa dating appCall center agent, huli sa panggagahasa at pangingikil umano sa babaeng nakilala sa dating appArestado ang isang lalaking call center agent matapos niyang gahasain at kikilan umano ang isang babaeng kaniyang nakilala sa dating app sa Parañaque City.
Read more »

Rider, huli sa pagnanakaw sa mga babaeng inaaya niyang mag-roadtripRider, huli sa pagnanakaw sa mga babaeng inaaya niyang mag-roadtripDinakip ang isang 21-anyos na lalaking rider na may modus na pag-aaya sa mga babae na mag-road trip bago tatangayin ang kanilang mga gamit.
Read more »

Riding in tandem, nangholdap ng binatilyo gamit ang pekeng baril sa SorsogonRiding in tandem, nangholdap ng binatilyo gamit ang pekeng baril sa SorsogonIsang 15-anyos na binatilyo ang biniktima ng holdap ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo gamit ang pekeng baril sa Sta. Magdalena, Sorsogon.
Read more »



Render Time: 2025-02-24 20:33:01