Miyembro ng SWAT team at dating kadete ng PMMA, patay sa engkuwentro sa Caloocan

United Kingdom News News

Miyembro ng SWAT team at dating kadete ng PMMA, patay sa engkuwentro sa Caloocan
United Kingdom Latest News,United Kingdom Headlines
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 65 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 29%
  • Publisher: 68%

Patay sa engkuwentro ang isang dating kadete ng Philippine Merchant Marine Academy na hinabol ng otoridad matapos magpaputok umano ng baril sa Quezon City.

Nabaril din ang isang miyembro ng SWAT team na kasamang tumugis sa suspek na kinilalang si Martin Luther Nuñez, ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Lunes.

Naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga miyembro ng Quezon City Police at SWAT sa isang subdivision sa Barangay 177 sa Caloocan City nitong Linggo ng hapon.Ayon sa pulisya, bago ang engkuwentro ay nagpaputok ng baril si Nuñez sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City. Hinahanap daw kasi nito ang taong nambasag ng salamin ng kotse ng ina niya.

Dito na raw hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa makarating ito sa kaniyang bahay sa Caloocan. Tinangka pa raw ng mga pulis na kausapin si Nuñez at inalok na sa Camp Karingal na lang matulog kasama ang kaniyang ina para makapag-piyansa agad kinabukasan, pero hindi raw ito nakinig at bigla na lang namaril gamit ang kaniyang Glock 45.Samantala, namatay naman ang miyembro ng SWAT na tinamaan ng bala sa gitna ng engkuwentro. Kinilala siyang si Police Corporal Noel Ugano.

Isang opisyal ng Quezon City Police District naman na kinilalang si Police Lieutenant Colonel Jerry Castillo ang sugatan."Napag-alaman namin from the barangay captain na talaga namang karakter 'yung tao. Talagang sakit ng ulo. Matitigan mo lang daw sasapukin ka na o tututukan ng baril. Walang pinipili, talagang bully of the neighborhood," ani Police Brigadier General Nicolas Torre III, hepe ng QCPD.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

United Kingdom Latest News, United Kingdom Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Senior citizen at kanyang yakap na aso, patay sa sunog sa TondoSenior citizen at kanyang yakap na aso, patay sa sunog sa TondoNasawi ang isang senior citizen at ang isang asong yakap-yakap niya sa sunog na sumiklab sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng madaling araw.
Read more »

Suspek sa likod ng bomb threat sa isang school sa Taguig, natukoy naSuspek sa likod ng bomb threat sa isang school sa Taguig, natukoy naNatukoy na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang taong nasa likod ng Facebook account na sangkot sa banta ng pagpapasabog sa isang pampublikong paaralan sa Taguig City kamakailan.
Read more »

RepLeksiyon: Simulan ang pag-iipon sa paggawa ng kabutihanRepLeksiyon: Simulan ang pag-iipon sa paggawa ng kabutihan'Maghanda tayo sa hindi sa paraan ng pag-iipon ng kayamanan na materyal na bagay kung hindi sa pag-iipon ng napakaraming kabutihan (Lucas 12:39-48).'
Read more »



Render Time: 2025-03-11 05:46:39