Maituturing raw na isang blessing in disguise ang 'pag-anod' sa isang Pinay at ng kanyang mga kaibigan sa Itaewon, Seoul, South Korea noong Sabado matapos umabot sa 154 ang nasawi sa stampede ng mga taong nag-celebrate ng Halloween.
SINULAT NI: GMA News
"Noong paakyat pa lang kami [sa alley], hindi na maganda 'yung feeling. Talagang shoulder-to-shoulder na 'yung lakad. Paakyat pa lang doon sa alley medyo struggling na siya," kuwento ni Kathleen Laspoña, isang Pinay na nagtatrabaho sa South Korea, sa panayam sa Unang Balita nitong Lunes. "Little did I know nagsa-start na magbuo doon sa left side. Literally naanod na kami ng mga tao to the other side, the right side, which is palayo doon sa friends ko," aniya."Sinabi ko doon sa kasama ko, 'No, hindi na natin kaya bumalik that way.' Sabi ko pumunta na tayo sa highway. So sa highway na kami dumaan, like literally na kasabay 'yung mga sasakyan. Kasi sabi ko, I don't feel right about it," dagdag ni Laspoña.
"Mga 9:00, 9:20 [p.m.], dumating ako sa Itaewon station. Sa subway pa lang, pahirapan na lumabas. Hindi siya naging madali. Siguro mga 15 to 20 minutes. Sobrang blocked 'yung mga daan both ways, pababa atsaka paakyat," aniya."'Di ko ma-imagine 'yung dami ng tao. Sobrang beyond siya doon sa mga usual years, though expected na madami talagang tao. I guess sobrang naging excited 'yung lahat sa pagbabalik ng event sa Itaewon," dagdag niya.